Bakit Hindi Pinag-uusapan ang ABS-CBN Franchise Extension Sa Kongreso?

72669687_580485912689360_3658283779287416832_n

Nakakapagtaka talaga kung bakit naka bitin pa rin ang usapin ng extension ng franchise ng ABS-CBN lalo na sa Marso na ang huling araw ng kanilang prangkisa.

May tinatago ba ang Malacañang at kongreso na posibleng mag take over dito kaya parang ayaw man lang italakay sa mababang kapulungan?

Nakakahiya ang ating mga mambabatas lalo na si Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa kaniyang pangangdalakan na malinis ang kaniyang pamumuno sa kamara. Kung naniniwala siya sa maayos na pamamalakad at freedom of the press, dapat buksan na niya ang pagtalakay sa franchise ng ABS-CBN.

Ano pa ba ang inaantay ni Cayetano, maagang pamasko?

Isa din pala sa lumulutang na pangalan na gustong makulimbat ang network ay ang bilyonaryong crony ni Pangulong Duterte na si Dennis Uy.

Base sa artikulo ng Bilyonaryo website, nakayapak na raw si Ginoong Uy sa prangkisa dahil sa partnership ng kaniyang kompanya sa SkyCable. Ito ang nakasaad sa storya ng Bilyonaryo.

Dito Telecom, a joint venture of Uy and China Telecom, announced that SkyCable has allowed the company to use the latter’s unused fiber optic cables located in Metro Manila to jumpstart its plan to smash the Globe-Smart duopoly.

Dito Chief Administrative Officer Adel A. Tamano said in a statement that the SkyCable deal would allow Uy to build his network rollout (after March 2020) “without having to build everything from scratch.” This partnership showed that ABS-CBN saw Uy as a dependable partner and that more cooperation in other areas was possible.

Gusto sana namin icheck ang mga myembro ng committee na tahimik at nagpapakasarap sa kanilang mga opisian kaso bakit nakapatay pa rin ang http://www.congress.gov.ph na website?

Ano ang tinatago ng mga mambabatas at kanilang mga sponsor?

Abangan na lang natin paano yuyurakan ni Speaker Cayetano ang kalayaan sa pamamahayag.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s